Ang Tagalog na bersyon ng website ng Yunit ng Patakaran ng Punong Ehekutibo (CEPU) ay naglalaman lamang ng mga piling kapaki-pakinabang na impormasyon. Maa-akses mo ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Tradisyonal na Tsino o Pinasimpleng Tsino.
Maligayang pagdating sa website ng CEPU.
Iminungkahi ng Punong Ehekutibo (CE) sa panahon ng kanyang kampanya sa halalan at idinetalye sa kanyang Pagpapahayag ng Polisya (PA) noong Oktubre 2022 na may bagong CEPU na itatatag upang pahusayin ang kakayahan ng Pamahalaan sa pananaliksik at adbokasiya sa mga pangmatagalan at estratehikong isyu. Bukod sa pagsasagawa ng malalim na pag-aaral at pagsusuri sa mga patakaran at pag-unlad mula sa Kalupaang Tsina pati na rin ang mga pandaigidigang trend at pag-uulat ng kinalabasan sa CE; ang CEPU ay magpapatuloy sa pangangasiwa ng mga panloob na deliberasyon upang tulungan ang Pamahalaan sa pagbalangkas ng mga patakaran para sa hinaharap.
Nagsimula ang operasyon ng CEPU mula noong Disyembre 28, 2022 at ginagawa ang mga sumusunod na pangunahing tungkulin –
(a) | pagsasagawa ng malalim na pag-aaral at pagsusuri sa mga patakaran at pagpapaunlad ng Kalupaang Tsina, gayundin sa mga pandaigdigang pag-unlad at trend, at pagtaya kung paano makakasabay ang Hong Kong sa mga pag-unlad na ito; |
(b) | pagsasagawa ng pananaliksik para ssa hinaharap patungkol sa mga estratehiko at pangmatagalang isyu; |
(c) | pag-uugnay sa paghahanda ng taunang PA ng CE at pagsubaybay sa pagpapatupad ng mga inisyatiba ng PA; |
(d) | pagbibigay ng suporta sa pananaliksik at kalihiman sa Konseho ng Tagapayo ng CE; |
(e) | pagbibigay ng panloob na mga maikling paliwanag sa pag-unlad ng daigdig at ng Kalupaang Tsina upang itaguyod ang pagbabahagi ng karanasan at kaalaman; |
(f) | pagtaya ng mga pampublikong opinyon para sa pagsangguni ng CE sa pamamagitan ng iba't ibang paraan kabilang ang web-based na data analytics, opinion poll, focus group discussion, pati na rin ang networking at dayalogo sa mga stakeholder kabilang ang mga komentarista, think-tank, academia at iba pang mga lider; at |
(g) | pagbuo ng panlabas na kakayahan sa pagsasaliksik ng patakaran sa pamamagitan ng mga hakbang kabilang ang pangangasiwa ng mga iskema ng pagpopondo sa pananaliksik sa pampublikong patakaran. |
Ang Konseho ng Tagapayo ng CE ay isang mataas na antas ng lupon na nagpapayo upang payuhan ang CE sa estratehikong pag-unlad ng Hong Kong, na gumagamit ng mga pagkakataon mula sa pambansa at pandaigdigang mga pag-unlad. Isasaalang-alang ng Konseho ang mga natatanging pakinabang at lakas ng Hong Kong sa ilalim ng "Isang Bansa Dalawang Sistema" at ang matibay na batayan nito, gayundin ang napakalaking potensyal sa negosyo na nagmumula sa pagbabago at teknolohiya, at karagdagang pagsasama sa pambansang pag-unlad pati na rin ang pagpapalalim sa rehiyon at pandaigdigang pakikipagtulungan. Ang Konseho ay inorganisa kasama ng tatlong malawak na ugnayan, ibig sabihin, pagsulong at pagpapanatili ng ekonomiya, pagbabago at entrepreneurship pati na rin ang mga panrehiyon at pandaigdigang pakikipagtulungan upang mapadali ang mas nakatuon at malalim na mga diyalogo. Ang CEPU ay nagsisilbing Kalihiman ng Konseho. Para sa mga detalye, mangyaring mag-klik dito*.
Inihayag ng Pamahalaan noong 30 Mayo 2023 ang pagtatatag ng Pangkat ng Dalubhasa ng CEPU at ang paghirang ng 56 na miyembro. Ang termino ng paghirang ay isang taon at magtatapos sa 29 Mayo 2024.
Ang Pangkat ng Dalubhasa ng CEPU ay binubuo ng mga miyembro ng iba't ibang pinanggalingan kabilang ang mula sa negosyo, pananalapi, mga propesyonal, think-tank at akademya upang magbigay ng mga ekspertong pananaw at mga bagong ideya sa CEPU tungkol sa iba't ibang paksa. Upang mapadali ang gawain ng Pangkat ng Dalubhasa at magsagawa ng mas nakatutok na mga talakayan, ang Pangkat ng Dalubhasa ay inorganisa kasama ang tatlong malawak na ugnayan, katulad ng Pangkat ng Dalubhasa sa Pagsulong ng Ekonomiya, Pangkat ng Dalubhasa sa Pangkaunlarang Panlipunan at Pangkat ng Dalubhasa sa Estratehiya ng Pananaliksik. Para sa mga detalye, mangyaring mag-click dito*.
Ang Iskema ng Pagpopondo para sa Pananaliksik sa Pampublikong Patakaran (PPRFS) at ang Iskema ng Pagpopondo para sa Pangkalahatang Pananaliksik sa Pampublikong Patakaran(SPPRFS) ay mga iskema ng pagpopondo na pinondohan ng pamahalaan na nakatuon sa pagsuporta sa pananaliksik sa pampublikong patakaran na nakabatay sa ebidensya ng mga institusyon ngmas mataas na edukasyon at mga think tank sa Hong Kong. Ang dalawang iskema ng pagpopondo ay pinangangasiwaan ng CEPU, na itinakda upang pahusayin ang kakayahan ng Pamahalaan sa pananaliksik at adbokasiya sa pangmatagalan at estratehikong mga isyu. Ang isa sa mga gawain nito ay upang bumuo ng panlabas na kakayahan sa pananaliksik sa patakaran sa pamamagitan ng mga hakbang kabilang ang pangangasiwa ng PPRFS at SPPRFS. Ito ay magiging kaaya-aya sa pagkamit ng mga layunin ng CEPU, kabilang ang pagtataguyod at pagtulong sa pagbubuo ng pangmatagalan at estratehikong mga patakaran para sa hinaharao; upang manatiling nakakasabay sa pambansang pag-unlad at pag-aralan at magmungkahi ng mga lugar na may kahalagahan sa pagsasama sa pambansang kaunlaran; upang suriin ang mga pandaigidigang relasyon at sitwasyon, at pag-aralan ang mga pagkakataon at panganib; at upang maunawaan ang mga damdamin ng mga mamamayan ng Hong Kong upang maunawaan ang pangkalahatang direksyon at pokus ng kanilang mga alalahanin.
Parehong layunin ng PPRFS at SPPRFS na mapadali ang talakayan sa pampublikong patakaran at pahusayin ang pagbabalangkas ng patakaran upang matugunan ang mga pangangailangan ng lipunan, gayundin ang paglinang ng mga talentong kinakailangan. Sa partikular, nilalayon ng SPPRFS na suportahan ang pangmatagalang pagsasaliksik sa pampublikong patakaran sa mga estratehikong tema at mga lugar ng pananaliksik na tinukoy ng Pamahalaan, bumuo ng kapasidad sa pagsasaliksik at padaliin ang pakikipagtulungan sa mga institusyon/think tank habang ang PPRFS ay nakatutok sa mas maliit na sukat na pampublikong pagsasaliksik sa patakarang mas maikling tagal. Isasaalang-alang para sa pagpopondo ang mga pag-aaral sa pananaliksik na magpapaalam sa proseso ng paggawa ng patakaran ng Pamahalaan, magtutulak ng mga pagbabago, makasabay sa pambansang pag-unlad at pandaigidigang trend, at mag-aambag sa pagbuo ng patakaran. Kabilang dito ang mga inilapat na pananaliksik na nakatuon sa problema at nakatuon sa solusyon, at mga pananaliksik para sa hinaharap sa mga estratehiko at pangmatagalang isyu. Tanging ang mga pag-aaral na may direktang implikasyon o kaugnayan sa patakaran at magpapadali sa pagbabalangkas ng pampublikong patakaran sa Hong Kong, at ang mga resulta kung saan maaaring mabisa at praktikal na maisalin sa patakaran ang maaaring bigyan ng pagpopondo. Ang pananaliksik purong akademikoay hindi popondohan.
Ang mga aplikasyon para sa PPRFS ay tinatanggap sa buong taon; habang ang mga para sa SPPRFS sa pangkalahatan ay iniimbitahan minsan sa isang taon. Para sa mga detalye, mangyaring mag-click dito*.
*Available lang ang mga nilalaman sa Ingles, Tradisyonal na Tsino at Pinasimpleng Tsino.